Ang pandemiya na ito ay hamon ng taiwanese at migrants, na sama sama natin haharapin.
Noong mga nakaraang araw, may mga nagcovid positive sa isang printing factory sa New Taipei, at nagkaroon naman ng covid outbreak sa KYEC at Greatek Electronics Inc. doon sa Miaoli, nagkaroon ng 131 kumpirmadong positibo (14 lokal at 117 dayuhan) noong June 4 kabilang sa 323 na nakasalamuha, sa Greatek Electronics Inc. namn ay mayroong 9 na nagpositibo. Ang Taiwan Center for Disease Control ay agad bumuo ng front line center sa Miaoli at nagsagawa ng rapid testing at pagpapatupad ng mga panukalang remedyo.
Ministry of Labor! Hindi handa at hindi sapat ang mga hakbang na ginawa.
Dahil ang mga electronics factory ay tumanggap ng maraming migrant workers, kaya ang mga migrant workers ay nagsisiksikan sa mga maliliit na dormitoryo na kung saan mahirap panatilihin ang social distancing. Nang nagumpisa ang pandemic noong nakaraang taon, ang mga grupo ng migrant workers ay ilang ulit na iminungkahi at isinulong na ang mga dormitoryo ng mga migrant workers ay dapat isama sa plano ng pandemic prevention. Isang taon na ang nakalipas at nagkacovid outbreak na sa loob ng mga factory at dormitoryo, pero wala pang nakikitang aksyon ng Ministry of Labor.
Sa kasalukuyan, mayroong 710,000 na mga migrant workers sa Taiwan at 470,000 nito ay nakatira sa mga dormitoryo na nilaan ng mga amo o broker para sa kanila. May mga silid na 4 hanggang 8 tao lamang pero mayroong ibang kwarto na umaabot sa 12 o mahigit pa. Noong 2018, ang mga manggagawang Vietnamese sa isang pabrika sa Xizhi ay nagprotesta dahil siksikan sila sa dormitoryo (12-100 tao sa isang kwarto). Maliit ang kanilang dormitoryo at sila ay gumagamit ng parehong banyo. Kaya mahirap ang pagpapatupad ng social distancing, at nandoon din ang pag-aalala na baka magkaroon ng covid outbreak.
Noong nakaraang taon, ang Ministry of Labor ay namahagi lang ng simpleng bilingual na impormasyon tungkol sa pandemic prevention, sa pagquarantine ng mga dumadating sa Taiwan at walang maliwanag na sinasabi tungkol sa pag-uusisa ng mga tirahan or dormitoryo para maiwasan ang pagkakaroon ng covid sa migrant workers’ community.
Ministry of Labor, kailangan ang mabilisan aksyon!
Ang mga migrant workers ay lagi na lang nakakaranas ng diskriminasyon pagdating sa mga regulasyon ng gobyerno. Tulad ng migrant fishermen na walang dormitoryo at sa pantalan na naliligo ay pinagmumulta dahil hindi nakasuot ng facemask habang naliligo. Ginagamit ang pandemya para pigilan silang lumabas kahit day off nila. Ang mga TNT na nahawa ng covid dahil sa pag-aalaga ng pasyente ay binabatikos na nagkakalat ng virus o ang migrant workers ay tinuturing na salarin sa pagkalat ng covid.
Sa kasalukuyan ay sinuspinde ng Ministry of Labor ang patatransfer sa bagong employer ng mga migrant workers hangga’t hindi natatapos ang covid alert 3.
Ang recent covid outbreak ay dahil sa siksikan ang mga tao sa factory at dormitoryo pero hindi pa din binibigayan ng pansin ng Ministry of Labor ang matagal ng problema tungkol sa dormitoryo ng mga migrant workers, wala din silang konkretong plano para sa ikakaayos ng sitwasyon. Sa halip ang tugon nila ay pinaghihigpitan ang mga migrant workers sa kanilang karapatan. Bukod dito ang regulasyon ay wala ding detalyadong impormasyon, ang matindi pa nyan ay walang bilingual translation.
Dahil walang bilingual at detalyadong impormasyon kaya hindi lamang nagpapanic ang mga migrant workers, nag-aalala din sila dahil siksikan sila sa dormitoryo tapos papasok pa sa trabaho, paano nila masisiguro na ligtas sila? May mga migrant workers na nag-aalala dahil ilang buwan na sila ng naghihintay ng kanilang transfer permit, hindi rin sila sigurado kung makakahanap ng bagong employer. May mga migrant worker din na nag-aalala kung hanggang kailan matatapos ang pandemic, walang income, suspendido pa ng pagtransfer sa bagong employer, at hindi malaman kung saan kukuha ng pantustos sa pang-aaraw araw nilang pangangailangan at pangsustento sa kanilang pamilya. At saka nag-aalala din kami sa mga naquarantine na migrant workers kung nakakatanggap ba sila ng mga sapat na impormasyon? May mga nagpaliwanag ba sa kanila kung ano kasalukuyang proseso at ang susunod na gagawin? Ang sitwasyon ng mga nakaquaratine, kung may mga katanungan sila o may mga daily needs, may available bang translator na pwedeng mapagtanungan, maibibigay ba sa kanila ang kanilang basic needs?
Pakakaisa ang lunas sa covid kaya dapat kasali ang mga migranteng manggagawa sa pangkalahatang programa laban sa pandemya
Noong nakaraang taon, ang mga grupo ng mga migrant workers ay ilang ulit na iminungkahi at isinulong ang mga rekomendasyon sa patakaran sa pag-iwas sa pandemya: bilingual na impormasyon, pagbili ng face mask, ang mga TNT ay (hindi dapat ipagtabuyan, parusahan, at sana ay maibalik sa legal na status), problema sa dormitoryo… atbp. Ngunit, ang mga opinyon na ito ay binalewala ng Ministry of Labor.
Noong nakaraang taon, matapos mangyari ang covid outbreak ng mga migrant workers sa “Medical Center”, ang Ministry of Labor ay nagkaroon ng meeting noong March 3, 2021 tungkol sa “research on the safety and hygiene regulation for migrant accommodation” at napagpasyahan na kailangang gumawa ang gobyerno ng centralized program at magprovide ng matutuluyan para sa mga bagong dating na workers pero magpasahanggang ngayon ay wala pa ring aksyon. Naniniwala kami na ang pagbibigay ng nararapat na serbisyo ng gobyerno sa mga migrant workers ay hindi lamang kanilang resposibilidad kundi malaki din ang maitutulong nito sa pandemic prevention.
Noong June 4, sa conference sa Central Epidemic Command Center, sinabi ng Director na si Chen Shih-chung na gagawa siya ng agarang pagsusuri tungkol sa mga migrant workers sa buong Taiwan. Ito naman ang aming mga suhestiyon:
1. Magkaroon ng re-assessment at muling i-organize ang kapasidad ng ating epidemic prevention para sa hinaharap na sitwasyon.
Matapos ang covid outbreak na ito, dapat suriing muli ang mga sumusunod: Sapat ba ang mga quarantine hotel at centralized quarantine centers? Ang mga migrant workers na dumarating sa Taiwan ay walang kapamilya dito at walang ibang maasahan, gayundin imposible na ang 710,000 migrant workers ay maiquarantine sa separate single rooms at hindi rin kaya ng mga employer na makapagbigay ng sapat na quarantine space. Kung magkaroon ng malaking covid outbreak sa migrant workers’ community, sapat ba ang mga quarantine hotels at quarantine centers na mayroon ngayon? Kaya dapat magkaroon ng masugid na re-assessment at re-organization na base sa concrete data, saka lamang tayo talagang makapaghahanda para sa hinaharap na malalang sitwasyon.
2. Ang malaking epekto sa pagsuspende ng employment transfer ay dapat magkaroon ng katumbas na estraktura na susuporta dito.
Noong June 5, lubos na sinuspende ng Ministry of Labor ang pagtransfer ng mga migrant workers, ang regulasyon na ito ay mayroong napakalaking epekto sa karapatan ng manggagawa. Tulad na lamang ng labor dispute, hindi dahil may pandemiya ay hindi na ito haharapin, at ang finish contract ay hindi dapat maantala dahil din sa pandemya. Para sa mga migrant workers, kung maayos lang sana ang kanilang trabaho ay hindi nila pipiliing magpalipat ng bagong employer. Sa pagharap ng Ministry of Labor malaking hamon ng pandemya ay gumagawa sila ng regulasyon para maprotektahan ang mga migrante. Ngunit naniniwala kami na ang bawat hakbang nila ay dapat mayroong katumbas na estruktura na susuporta nito:
[1]. Sa mga pabrika na walang covid positive, kung magreklamo ang migrant worker dahil may violation ang employer, o finish contract, ay dapat payagang matransfer, tulungang mashelter, at ituloy ang paghahanap at paglipat sa bagong employer ayon sa regulasyon at proteksyon laban sa COVID.
[2]. Dahil sa mga limistasyon ng orihinal na regulasyon, hirap na makapagtrasfer ang mga migrant worker. Kaya naniniwala kami kahit na sa panahon ng covid prevention kung ang mga migrant workers ay mayroon nang permit to transfer ay maari pa din tanggapin ng bagong employer.
[3]. Ang mga migrant workers sa Taiwan ay walang employment insurance, kaya wala silang makukuhang benepisyo sa panahon na wala silang trabaho. Kaya kung pagbabawalan sila ng Ministry of Labor na tanggapin ng bagong employer, naniniwala kami na iyong mga nakatanggap na ng permit to transfer ay karapatdapat din makatanggap ng ayuda.
3. Proteksyon para sa Karapatan ng migrant worker at lalo na sa mga naka-quarantine dahil sa COVID.
Ang mga migrant workers na nagtatrabaho sa mga pabrika kung saan mayroong COVID outbreak ay sapilitang tanggalin sa trabaho, sa ngayon na suspindido ang transfer to new employer, ang mga migrant workers ay mapipilitang bumalik sa kanilang bansa o mapipilitang gamitin ang kanilang bakasyon na walang sahod. Dapat siguraduhin ng Ministry of Labor na sa panahon ng pandemya ay hindi mailagay sa alanganin ang karapatan ng mga migrant workers.
Noong mga nakaraan ay may mga migrant workers na naquarantine na pinababayad ng broker, higit pa diyan ay hindi rin sila nakatanggap NT$1,000 na ayuda na sana ay matatanggap nila araw-araw. Dapat siguraduhin ng Ministry of Labor na ang mga migrant workers na nagcovid positive o kaya naquarantine ay huwag sisingilin ng bayad at matulungan silang makakuha ng ayuda ukol sa pandemya. Higit sa lahat, siguraduhin ng Ministry of Labor na ang mga migrant workers nagcovid positive o nakaquarantine ay hindi pwedeng tanggalin sa trabaho o pauuwiin ng kanilang mga employer.
4. Ang mga domestic workers at caregivers ay dapat maisama sa listahan ng mga priority na mabigyan ng vaccine.
Sa kasalukuyan ang government subsidized vaccination ay mayroon 11 kategorya. Ang pang lima sa listahan ay (staff at mga pasyente sa nursing home, long term care institutions, at social welfare institutions) priority na bibigyan ng government subsidized vaccination dahil daw sila ay mga “personnel maintaining the operation of institutions and functions of social welfare and care systems”. Ang pinagkaiba lamang ay sa loob ng bahay sila nagtatrabaho, pero may mga oras na kailangan din nilang lumabas para mamalengke, kumuha ng gamot, samahan ang pasyente sa hospital at iba pa, tapos karamihan sa mga alaga nila ay disable na, at ang iba ay madaling kapitan ng matinding impeksyon at komplikasyon na maaring ikamatay na ng kanilang alaga.
Ang inaalala namin ay sa sandaling ang mga domestic worker o caregiver ay mahawahan ng virus, sino ang papalit sa kanilang trabaho kapag mangyari ang emergency na ito? Kaya naman ang aming suggestion sa CDC ay sana isama sa listahan ng government subsidized vaccination ang mga domestic worker at caregivers para maiwasan covid transmission sa sitwasyon ngayon.
5.Planong palitan ng dormitoryong pinamamahalaan ng gobyerno ang mga dormitoryong hindi kayang pangalagaan ng mga broker.
Ang nangyaring outbreak sa factory sa Miaoli ay resulta ng matagal ng problema sa dormitoryo, buwan-buwan ay kinakaltas sa sweldo ng mga migrant worker ang bayad sa dormitoryo ngunit hindi man lamang sila mabigyan ng maayos na tirahan. Bago pa man magkaroon ng pandemya ay madami ng mga migrant workers ang namatay dahil ang kanilang dormitoryo ay hindi nakahiwalay sa pabrika, at ngayong nagka-outbreak ay nanatili pa rin sila sa mainit at masikip na lugar, pero dahil hindi naman direktang makakaapekto sa kalusugan ng Taiwan society kaya hindi nila ito pinagtutuunan ng pansin.
Sinabi ng Ministry of Labor na simula sa June 4 ay bibisitahin nila ang mga dormitoryo na may 100 migrant worker pataas. Sa pagbisita ba nila ay magkakaroon ba ng improvement ang pamantayan ng mga dormitory o susundin lamang kung ano ang nakasaad sa “Standards of Migrant Worker’s Care Service Plan”? Ireregulate ba kung ilang tao ang dapat sa isang kwuarto? 3.6 square meter (approx. 2.2 ping) pa rin ba space ng isang tao sa room kasama na ang kanyang cabinet? Ilang tao ang magshe-share ng isang toilet at bathroom? “Standards of Migrant Worker’s Care Service Plan” ay puro konsepto lamang, at sa panahong ito ng pandemya paano naman kaya ito maipapatupad? May mga migrant workers na nga ang nagpahayag ng pag-aalala nila dahil 10 sila sa isang kwarto, tapos may iba pang higit sa 100 sa isang kwarto, hindi pa rin nagkakaroon ng rotation, hindi pa rin nababawasan ang pasok nila sa trabaho, ngunit ang mga reklamo na migrant workers na ito na ay nasa sa loob pa din factory, dahil hindi pa naman nahahawa at hindi din naman sila umabot sa isang daan kung kaya’t hindi na kailangang agarang asikasuhin, ganon ba?
Ipinagpaliban ng Ministry of labor ang pagharap sa mga problema sa dormitoryo ng migrant worker dahil dadagdag daw ito sa mga pasanin ng mga employer, pero ng magkaroon ng covid outbreak lumabas na naman ang noon ay dati ng problema. Ang sagot ng MOL sa pagpupulong noong July 20, 2020 ukol sa paghihiwalay ng dormitoryo sa pabrika ay dapat magset-up ng isang dormitoryong pinamamahalaan ng gobyerno, na sinang-ayunan din ng broker. Pandaliang solusyon lamang ang sinabing dormitory inspection at hindi makakabigay ng tunay solusyon sa problemang kinakaharap ng mga migrant worker. Ang dapat talagang pagtuunan ng pansin ng gobyerno ay ang tatlumpung taong problema na ng mga migrant workers ay ang dormitoryo na itinayo ng employer o broker man, na walang kakayahan ang gobyerno na inspeksyunin ito at pamahalaanan. Masasabi nating totoong ginagampanan ng gobyerno ang kanyang tungkulin kung maisasakatuparan ang planong magkaroon ng dormitoryong pinamamahalaan ng gobyerno.
Maaring sa nangyaring krisis ay maging tulay sa pababago, sana lang kung hindi urong-sulong ang MOL at ang local labor bureau sa pagharap nila sa problema ukol sa nakapandidiring dormitoryo (tambakan) ng mga migrant worker sa pagdating nila sa Taiwan (pinasimpleng medical exam, pagpoproseso sa National Immigration), ang hindi maayos na dormitoryo ng nagtatrabaho sa pabrika, ang mababang kalagayan ng nagtatrabaho sa bahay, kulang na kulang din ang translator, at marami pang problema.
Kung dahil sa krisis na dulot ng pandemya ay kailangang suriin ang lahat ng mga migrant worker dito sa Taiwan, bukod sa pagkakaroon ng mabilisang aksyon, ay sinayang ng MOL na gamitin ang pagkakataong ito na magkaroon ng masususing pag-iimbestiga at pagpaplano, katulad naman lamang ng ginawa ng paurong na aksyon (kagaya ng pagsuspende ng pagtransfer), hindi lamang pananagutan ng MOL ang pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga polisiya para sa migrant workers, gayundin ang kanilang katamaran, pagpapabaya sa kanilang trabaho, na maaaring magdudulot ng mas malaking problema sa hinaharap.
Signatory groups to this petition:
台灣移工聯盟:海星國際移工服務中心 (Stella Maris)
平安基金會所屬勞工關懷中心(LCC)
天主教會新竹教區移民移工服務中心(Hsinchu Migrants and Immigrants Service Center, HMISC)
天主教希望職工中心 (Hope Workers Center, HWC)
天主教台灣明愛會(Caritas Taiwan)
台灣國際勞工協會(Taiwan International Workers Association, TIWA)
桃園市家庭看護工職業工會 (Domestic Caretaker Union, DCU)
台灣國際移民培力協會 (Taiwan International Migrants Mission, TIMM)
桃園市產業總工會(TaoYuan Confederation Trade Union, TYCTU)
台灣汽車貨運暨倉儲業產業工會(Taiwan Logistics Industrial Union)