Tatlumpung taon ng pagpapatupad ng《Employment Service Act》
Pinagsamasamang deklarasyon ng mga organisasyon ng migranteng manggagawa.

Baliktarin ang “kontra-kalayaan,” “kontra-pagkakapantay-pantay,” at “kontra-publiko” na mga patakaran ng migranteng manggagawa sa nakalipas na tatlumpong taon.

Sa pagtatapos ng 1980’s, nang makamit ang “Economic Miracle” tumataas ang halaga ng paggawa, at naharap ang Taiwan sa isang kritikal na panahon ng pagbabagong pang-industriya at pag-unlad . Nang panahon na iyon, maraming kapitalista, na naakit ng mga kagustuhang patakaran sa China, ang “napunta sa kanluran.” Para sa mga kapitalistang nanatili o hindi nakaalis at hindi na maaaring magbago, ang problema ng mataas na halaga ng paggawa ay binigyan ng kahulugang “isang kakulangan ng mga mangagawa.” Ito ang nag-udyok sa gobyerno ng Taiwan na kumuha ng mga migranteng manggagawa mula sa Southeast Asia bilang “supplemental labor” o pandagdag na mga manggagawa.

Noong Mayo 8, 1992, ang 《Employment Service Act》ay pinagtibay, at ang mga regulasyon para sa mga dayuhang manggagawa sa Taiwan ay ginawang batas. Ang mga manggagawa ay nahahati sa “mga nasyonal” at “mga dayuhan”; ang mga dayuhan ay nahahati sa “white-collar migrant workers” at “blue-collar migrant workers”; at anga mga migranteng manggagawa ay nahahati sa “legal” at “ilegal.” Ang 《Employment Service Act》 ay naglatag ng pundasyon ng isang “modernong sistema ng pang-aalipin” sa pamamagitan ng pagsasaayos ng “bawal lumipat ng amo” para sa mga migranteng manggagawa. Sa pamamagitan ng pagtatakda ng limitasyon sa mga taon ng patatrabaho ay pinagtibay din ng batas ang status ng mga migranteng manggagawa bilang ” panauhing manggagawa.” Ang “pagtanggap” at “pamamahala” ng mga migranteng manggagawa ay ibinigay sa isang matagal nang monopolyo ng mga “pribadong ahensya” na magkaroon ng bayaran.

Sa nakalipas na tatlumpong taon, tatlong beses na nagbago ang naghaharing partido at nagkaroon ng siyam na halalan sa pambatasan. Sa buong panahong ito, paulit-ulit na hinahangad ng gobyerno ng Taiwan na kilalanin ang internasyonal na lipunan sa pamamagitan ng “pag-iingat sa mga karapatang pantao.” Nilagdaan nito ang 《The Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women 》(CEDAW)at ipinasa ang《Act to Implement the International Covenant on Civil and Political Rights and the International Covenant on Economic, Social and Cultural Rights 》. Hanggang ngayon, ang tinaguriang “supplemental labor force” ay halos umabot na sa 700,000 katao at hindi maikaila na hiwalay na bahagi sa lipunan ng Taiwan. Gayunpaman, ang grupong ito ng mga hindi mamamayan na walang karapatang pampulitika ay hindi kailanman pumasok sa pananaw ng mga nasa kapangyarihan at ng mga gumagawa ng mga batas. Kailanman ay hindi sila tinatrato ng pantay.

Sa nakalipas na tatlumpung taon, naging malinaw na ang mga patakaran ng migranteng manggagawa sa Taiwan ay may “tatlong kontra” na katangian, katulad ng “kontra-kalayaan,”

“kontra-pagkakapantay-pantay,” at “kontra-publiko.”

Ano ang ” kontra sa kalayaan “?

Ang 《Employment Service Act》malinaw na itinatakda na ang mga migranteng manggagawa ay hindi pinapayagang magpalit ng mga amo, na pumipilit sa mga migranteng manggagawa na manatili sa hindi angkop na relasyon ng mga amo at empleyado. Inaalis nito ang pangunahing kalayaan ng mga migranteng manggagawa na pumili ng kanilang mga trabaho — nagiging mga aksesorya ng mga amo ang mga migranteng manggagawa. Kahit pa mapatunayan nila na lumalabag sa batas ang amo, kung hindi pumayag ang amo sa paglipat, kailangang harapin ng mga migranteng manggagawa ang halos kalahating taon na walang trabaho. Para bang pinaparusahan ang mga migranteng manggagawa sa mga pagpupuna.

Sa panahon ng pagsiklab ng COVID-19 noong 2021, hindi nakialam ang sentral na pamahalaan nang ipinagbawal ng pamahalaan ng Miaoli County na lumabas sa kanilang mga pabrika at dormitoryo ang mga migranteng manggagawa. Unang ipinagbawal ng Ministry of Labor ang pagbabago ng trabaho para sa mga migranteng manggagawa na dati nakatanggap ng mga permit para sa paglipat ng  amo, at pagkatapos ay lalo nilang pinaghigpitan ang mga migranteng manggagawa sa paglipat sa ibang mga industriya, na pinipigilan ang mga kasambahay na lumipat sa mga pabrika para sa mas magandang kondisyon sa pagtatrabaho. Muli, ang kalayaan ng mga migranteng manggagawa ay hindi makatarungang pinaghigpitan sa ngalan ng pandemya.

Ano ang ” kontra sa pagkakapantay-pantay”?

Kahit ang mga migranteng manggagawa ay tulad ng pangkaraniwang manggagawa, subalit sila ay pumirma ng ” terminong kontrata ” at nakatakdang mapabilang sa kategorya ng ” hindi pangkaraniwang trabaho.” Kahit na pareho silang migranteng manggagawa, ang “white-collar migrant workers” ay maaaring magtrabaho hangga’t gusto nila at ginagarantiyahan ng mas mahusay na mga karapatan sa trabaho at pamumuhay (tulad ng pagsama ng pamilya); samantalang ang “blue-collar migrant worker,” na ang kabuuang mga taon ng pagtatrabaho na pinapayagan na mabigyan ng dagdag na dalawang taon hanggang sa ngayon labindalawa at labing-apat na taon, ay dapat pa ring umalis sa bansa, na parang naging disposable na ” panauhing manggagawa ” para lang  mapakinabangan ng kanilang mga amo.

Sa nakalipas na tatlumpong taon, ang legal na impormasyon na ibinibigay ng gobyerno sa mga migranteng manggagawa ay lubhang kulang. Ang mga pagsasalin sa ibang wika ng mga pinakapangunahing mga batas, tulad ng《Employment Service Act》 at ang《Labor Standards Act》ay hindi ibinigay sa mahabang panahon. Pagkatapos lamang ng mga protesta ng mga organisasyon ng migranteng manggagawa ay unti-unting nagagamit ang mga multilinggwal na bersyon. Kapag ang mga pagbabago sa mga regulasyon para sa mga migranteng manggagawa ay iminungkahi, ang gobyerno ng Taiwan ay hindi kailanman naglalathala ng mga multilinggwal na mga draft para sa pagbabago, lalo pa ang direktang pagtatanong ng mga opinyon ng mga migranteng manggagawa. Hindi lamang sila tinukoy bilang “mga panauhin” sa kalaunan ay aalis, kahit na sila ay nasa Taiwan nang mahabang panahon, sila ay itinuturing pa rin bilang pangalawang uri.

Ano ang “kontra sa publiko ”?

Pinahintulutan ng gobyerno ng Taiwan ang mga pribadong ahensya na mag monopolyo sa pagkuha ng mga migranteng manggagawa para sa trabaho. Sa napakahirap na proseso ng pagkuha, sinasamantala ng mga ahensya ang pagkakaiba ng mga wika at pag-akseso sa mga impormasyon upang pagkakitaan ang mga migranteng manggagawa sa kanilang kahinaan. Bago pumunta sa Taiwan, napipilitan ang mga migranteng manggagawa na umutang ng malaking halaga  para  sa “placement fee” at pagdating sa Taiwan, kailangan nilang magbayad ng buwanang “service fees” na walang aktwal na serbisyo. Higit pa, kung sila ay magpalit ng amo, sinisingil sila ng isang “bayaran sa pagbili ng trabaho.” Binawasan ng gobyerno ang mga serbisyo publiko. Halimbawa, ang direct- hiring service, bago pa ng pamdemya ay halos hindi gumagana at ang mga istasyon ng serbisyo sa pagtatrabaho sa buong Taiwan ay walang kahit isang bilingual na tauhan hanggang sa ngayon, na nagpapahintulot sa mga pribadong ahensya na pagsamantalahan ang pinakamahihirap na manggagawang migrante. Iniiwasan ng gobyerno ang mga responsibilidad nito na garantiyahan ang kaligtasan ng cross-border labor force sa pamamagitan ng tinatawag na “market mechanism,” upang ang mga amo at migranteng manggagawa na gustong umiwas sa pagsasamantala ng mga broker na naghahanap ng bayaraan ay walang angkop o sapat na serbisyong pampubliko na magagamit nila.

Bukod dito, pinahintulutan ng gobyerno ng Taiwan noong dekada 1990 ang mga indibidwal na pamilya na kumuha ng mga kasambahay dahil sa kakulangan ng isang “long-term care system.” Inilipat nito ang responsibilidad ng “pangmatagalang pangangalaga”sa bawat pamilya,  naging isyu ng indibidwal na pamilya ang pampublikong problema. Kasabay nito, ang mga kondisyon sa pagtatrabaho ng mga kasambahay ay hindi protektado ng batas. Sila ay maaring magtrabaho ng 24 oras sa isang araw, wala silang karapatang mag-day off, at mas mababa ang kanilang mga suweldo kaysa sa minimum na sahod. Sa ganitong malupit na kondisyon, nakapatong sa kanila ang tatlumpung porsiyentong trabaho ng “pangmatagalang pangangalaga’ dito sa Taiwan. Ang plano ng pangmatagalang pangangalaga ay nagmula sa ” sampung taon ng pangmatagalang pangangalaga10 years of long-term care” hanggang sa umabot na sa  “long-term care 2.0”; gayunpaman, ang gobyerno ay patuloy na binabalewala ang katotohanan na mayroong higit sa 200,000 domestic migrant workers na nagtatrabaho sa mga indibidwal na pamilya.

Sa nakalipas na tatlumpung taon, ang patakaran para sa mga migranteng manggagawa ay naging  “kontra sa kalayaan “, ” kontra sa pagkakapantay-pantay ” at ” kontra sa pampubliko ” bilang kanilang pamamaraan; sa tuwing nababanggit ang mga karapatan ng migranteng manggagawa, ang reporma ay napakabagal kumilos. Sa kabaligtaran, ang mga batas na may kaugnayan sa mga pangangailangan ng mga amo ay mabilis na naipasa, kahit labag sa karapatan ng mga migranteng manggagawa.

Noong 2016, inalis ng Legislative Yuan na kailangan ang mga migranteng manggagawa na umalis ng Taiwan pagkatapos makumpleto ang tatlong taong kontrata sa pagtatrabaho, upang malutas ang mga problema ng mga amo sa agwat ng pagkuha ng manggagawa at ang paulit-ulit na pagsasamantala sa mga migranteng manggagawa. Ito ay nakakabuti para sa mga manggagawa at amo.” Gayunpaman, nang lumaon naging malinaw na ang mga migranteng manggagawa ay iligal na sinisingil ng “bayad sa pagbili ng trabaho”, ang gobyerno ng Taiwan ay nanatiling tahimik at hindi gumawa ng anumang mekanismo upang malutas ang problema.

Noong 2019, para mapababa ang gastos sa pagkuha ng mga mangingisda para sa mga amo, nagpasa ang gobyerno ng batas na isama ang mga mangingisda sa butas ng  article 84-1 ng Labor Standard Law. Binalewala nila ang katotohanan na ang mga mangingisdang natanggap sa pamamagitan ng Employment Service Act, ay malinaw na sakop sila ng Labor Standard Law, kaya nagkakaroon pa din ng mga problema sa overtime pay, day off, at mga kondisyon sa dormitoryo dahil wala silang paraan upang ipatupad ang batas at sa katunayan, lalong pinalala ang mga problema.

Noong nakaraang taon, dahil sa “kakulangan ng manggawa” na dulot ng pandemya, binago ng Ministry of Labor ang mga regulasyon nang napakabilis, “tinali” ang mga kasambahay na nagnanais na lumipat sa mga pabrika sa ngalan ng mga pamilya ng employer. Sa taong ito, ipinasa ng Executive Yuan ang programang ” ang matagalang pagpapanatili ng talento ng migranteng manggagawa .” Ginawa rin ito sa ilalim ng pagpwersa ng mga amo na kulang ng mga manggagawa, at nang walang anumang pampublikong deliberasyon. Sa unang tingin, ”ang programang pangmatagalang pagpapanatili ng talento ng migrangteng manggagawa” ay tila kapaki-pakinabang sa mga migranteng manggagawa. Gayunpaman, ito ay aktwal na nagpapalawak ng pamamaraan ng ” kontra sa kalayaan “, ” kontra sa pagkakapantay-pantay ” at ” kontra sa pangpubliko .” Halimbawa, ang aplikasyon para maging “intermediate-level skilled manpower” ay kailangang simulan ng mga amo, ang “intermediate-level skilled manpower” ay hindi pa rin malayang makapagpalit ng trabaho, at ang mga pribadong broker ay mayroon pa ring kinalaman. Bukod dito, ang migranteng manggagawa ng mga indibidwal na pamilya ay walang karapatan o kasiguruhan sa “ basic salary” kahit na pagkatapos ay maging “intermediate-level skilled manpower”.

Sa nakalipas na tatlumpung taon, maraming organisasyon ng migranteng manggagawa ang naitatag batay sa iba’t ibang ideya. Pinaglilingkuran nila ang mga migranteng manggagawa mula sa iba’t ibang anggulo, hinahanap at sinusubukang lutasin ang lahat ng uri ng problemang kinakaharap ng mga migranteng manggagawa sa Taiwan. Nagsalita din sila at nangampanya sa iba’t ibang paraan na nagmimithing magkaroon ng lipunang Taiwanese na may mas pantay at may paggalang sa pagtrato sa mga migranteng manggagawa. Sa papalapit na ika-tatlumpung anibersaryo ng 《Employment Service Act》, sa tingin namin ay panahon na para bigyan ng pangkalahatang pagrepaso sa mga patakaran ng migranteng manggagawa, na nananatili sa atrasadong estado noong tatlumpung taon na ang nakakaraan.

Pagkatapos ng tatlumpung taon ng pagpapatupad ng 《Employment Service Act》, sa tingin namin ay panahon na para masusing suriin ang sistema para sa migranteng manggagawa. Sa partikular, ang sistema ay dapat mareporma mula sa sumusunod na tatlong dimensyon:

1. Ang manggagawa ay dapat magkaroon ng kalayaan- ang mga migranteng manggagawa ay dapat na may karapatan sa malayang paglipat ng mga amo. Sumasalungat kami sa direksyon ng patakaran na tinatrato ang mga migranteng manggagawa bilang mga aksesorya ng mga employer.

2. Pantay-pantay na karapatan- ang mga migranteng manggagawa ay dapat bigyan ng multilinggwal na impormasyon at serbisyo. Dapat alisin ang pagkakaiba-iba ng pagtrato sa mga manggagawang “white-collar” at “blue-collar”.

3. Dapat ang serbisyo ay  pangpubliko – tinututulan namin ang pagmonopolyo ng mga pribadong ahensya sa pagkuha ng mga migrating manggagawa at ang pagsasamantala nila sa mga ito. Dapat palawakin ng gobyerno ang kapasidad ng pangmatagalang pangangalaga at isama ang lahat ng migranteng tagapag-alaga sa long-tern care workforce.

Sa tingin namin, hindi dapat isakripisyo ng patakaran ng mga migranteng manggagawa ang mga pangunahing karapatan para protektahan ang pangangailangan ng kapitalista. Tinututulan namin ang pagkakaiba-iba ng pagtrato sa mga manggagawa sa mga patakaran ng migranteng manggagawa. Hindi lamang dapat makakuha ng pantay na suweldo ang mga manggagawa para sa pantay na trabaho, dapat din silang magkaroon ng pantay na karapatan para sa pantay na trabaho. Pinagtatalunan namin na dapat balikatin ng gobyerno ang responsibilidad para sa serbisyo publiko, at hindi ipaubaya ang pinakamahihirap na migranteng manggagawa sa dominasyon at pagsasamantala sa mekanismo ng pamilihan. Nananawagan kami ng masusing pagsusuri sa mga patakaran ng migranteng manggagawa. Tratuhin nang pantay-pantay ang mga migranteng manggagawa at pangalagaan ang dignidad ng paggawa!

 Dapat magkaroon ng kalayaan ang paggawa! Dapat pantay-pantay ang mga karapatan! Ang serbisyo ay dapat na pangpubliko!

共同聲明團體:

台灣移工聯盟MENT(Migrant Empowerment Network in Taiwan)
成員團體:
– 海星國際移工服務中心(Stella Maris)
– 平安基金會所屬勞工關懷中心(PCT. Peace Foundation Labor and Migrant Workers Concern Centre, LCC)
– 天主教會新竹教區移民移工服務中心(Hsinchu Migrants and Immigrants Service Center, HMISC)
– 天主教希望職工中心 (Hope Workers Center, HWC)
– 天主教台灣明愛會(Caritas Taiwan)
– 台灣國際勞工協會(Taiwan International Workers Association, TIWA)
財團法人天主教耶穌會台北新事社會服務中心 / Rerum Novarum Center
桃園市家庭看護工職業工會 / Domestic Caretaker Union (DCU)
Rumahku
1095
越在嘉文化棧Khuôn viên văn hoá Việt Nam
宜蘭縣漁工職業工會Yilan Migrant Fishermen Union
台灣人權促進會 Taiwan Association for Human Rights
桃園市群眾服務協會 Serve the People Association, Taoyuan (SPA)
在台印尼勞工組織 Ikatan Pekerja Indonesia di Taiwan (IPIT)
全國家戶勞動產業工會 National Domestic Workers’ Union
印尼勞工團結組織 Gabungan Tenagakerja bersolidaritas (GANAS Community)
VMWIO天主教新竹教區越南移工移民辦公室Vietnam Migrant Workers and Immigration Office

連署聲援團體:

婦女新知基金會 Awakening Foundation
台灣性別人權協會 Gender/Sexuality Rights Association, Taiwan
臺北市藝術創作者職業工會 TAIPEI ArtCreator Trade Union
境外生權益小組 Taiwan International Student Movement
社團法人台灣綠色公民行動聯盟協會 Green Citizens’ Action Alliance, Taiwan
人權公約施行監督聯盟 / Covenants Watch
環境權保障基金會 Environmental Rights Foundation
桃園市產業總工會 Taoyuan Confederation of Trade Union
台灣非營利組織產業工會 Taiwan Not-for-Profit Organization Industrial Union
台灣青年勞動九五聯盟 Taiwan Youth Labor Union 95
台灣電子電機資訊產業工會 Taiwan industrial union of Electronics, Electrical and Information Technology
行無礙資源推廣協會 Taiwan Access for All Association
台灣鐵路產業工會 Taiwan Railway Union
台灣工作傷害受害人協會 Taiwan Association for Victims of Occupational Injuries
台灣同志諮詢熱線協會 Taiwan Tongzhi (LGBTQ+) Hotline Association
新移民勞動權益促進會 New Immigrant Labor Rights Association
勞動人權協會Labor Rights Association
女性勞動者權益促進會
新活力自立生活協會New Vitality Independent Living Association
台灣高等教育產業工會Taiwan Higher Education Union(THEU)

%d 位部落客按了讚: